ang aming munting paraiso...
everybody in the family was excited... we planned to go out together with my tita's and cousins... it was last sunday... 11 am, we arrived in bajia beach resort... nakita ko ang excitement sa mga chikiting na mga pamangkin ko...
it was fun with the kids... i enjoyed swimming with them...
we had our lunch at 12:30 noon... and right after eating, diretso na ulit sa pool... umabot ng 1.5 hours... walang pagod ang mga bata... they enjoyed playing under the heat of the sun... ako naman, na-enjoy ko ang pool... i love water... beach... pool... haay.... ang sarap magbabad sa tubig...
around 2:30 pm, my tita received a call from my tito... t'was an emergency call... may nasusunog daw na bahay sa loob ng compound... t'was just 5 houses away sa bahay...
basa at di na nagbihis, lumabas ng resort ang lahat at diretso sa sasakyan...
ang brother-in-law ko ang nagdrive ng sasakayan... he was fast... habang nasa loob ng sasakyan, walang nagawa ang mga tita ko kundi magdasal... the chikitings also prayed... asking Him to stop the fire...
i was in the front seat with my sister... i was quiet... ano ang future ko at ang pamilya ko kung natupok ng apoy ang bahay?... eto ang nasa isip ko at that time... other thoughts came to my mind... paano ang laptop ko?... paano ang internal jlpt exam sa tuesday... paano na yan, start from scratch na naman, etc.....
Rewind.... 14 years ago, i was still in grade 1... natupok ng apoy ang bahay... at wala kaming nakuha kahit tsenelas man lang... we started our life all over again...
haayy... salamat... our prayer was answered... my tito called again telling everyone to calm down... na-control na daw ang apoy... haaayy.... everyone was suddenly flooded with relief...
nakauwi kami at nakita pa ring nakatayo ang aming munting paraiso... di na naisip ng lahat ang pagkaputol ng kasiyahan sa resort... masayang-masaya ang lahat dahil sinagot Niya ang aming panalangin...
isa lang ang masasabi ko... He is really good... thanks to Him...
[end]



0 Comments:
Post a Comment
<< Home